jil

By: JIL Angeles

Sep 16 2009

Category: General

Comments Off

Open Heaven and Supernatural Increase
Experience and encounter the Mighty move of God through Overflowing Blessings and Miracles. Come, Visit and Be Blessed! God Bless.

219916PanahonNgPagtulong_Slideshow_copy

Panahon ng Pagtulong, a time of compassion

By: JIL Angeles

Oct 21 2009

Category: General

4 Comments »

    PANAHON NG PAGTULONG
    Mensahe ni Bro. Eddie C. Villanueva para sa Pamilya ng JIL
    04 Oktubre 2009

    distribution of the relief goods at Cainta, Pasig, Marikina, Obando, Marulas Valenzuela, Dalandanan Valenzuela, Novaliches, and Fairview. Other areas that were reached by the iCare were Mandaluyong, San Juan, Cubao, Malabon-Navotas, Taguig-Pateros, Paranaque, Muntinlupa, Las Pinas, Makati, Tatalon, Munoz, and Laguna.

    Send help and give donations to typhoon victims, click here

    “… Ako’y inyong pinakain noong Ako’y nagugutom; Ako’y inyong pinainom noong Ako’y nauuhaw. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako’y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.
    “… `Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa … pinakahamak, Ako ang inyong tinulungan.’”
    (Mateo 25:35,36,40)

    Ito ang mensahe ng ating Panginoon sa mga taong nag-aabot ng tulong sa higit na nangangailangan nilang kapwa.
    TULONG. Kung mayroong mang isang umaalingawngaw na pagtaghoy ngayon ang minamahal nating sambayanang Pilipino, ito ay ang taimtim na pagsusumamo para sa ating sama-samang maagap at nagkaka-isang pagtulong sa lahat at bawat biktima ng nakalipas na Bagyong Ondoy.

    Hindi kayang isalita ang nakapangingilabot na mga larawan ng pinsalang nilikha ng bagyong maituturing na isa sa pinakamapanganib sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa pagtaya ng National Disaster Coordinating Council, nitong Setyembre 30, umabot na sa 2.25 milyong katao ang naapektuhan ng nasabing kalamidad, 246 naman ang naitalang nasawi, di pa matiyak ang aktwal na bilang maliban sa 42 nawawala, habang tinatayang P4.7 bilyon ang napinsala sa kabuhayan at pananim.

    Napakalaki ng pagsubok. Napakalaki ng pangangailangan. At napakalaki rin ng pagkakataon upang maabot natin ang bawat pamilyang halos ay panawan na ng pag-asa. Tunay na napakalaki ng oportunidad natin upang maipa-alam sa kanilang may nakaririnig sa kanilang paghihinagpis.
    Sa minamahal kong mga kapatid, kamanggagawa, at tagapaglingkod ng Panginoon sa Jesus Is Lord Church, sa nakalipas na 31 taon ay napatunayan natin kung paano tayo kinalinga, minahal, iningatan, at pinagpala ng ating Diyos na matapat. Dumaan man tayo sa maraming pagsubok at dagok ng buhay, ngunit itinawid tayo ng Panginoon sa bawat imposibilidad. Dahil dito’y maaari nating patotohanan na hindi Siya nagpapabaya, hindi Siya nakakalimot, at hindi Siya malupit na Diyos.

    Ang katotohanang ito, kalakip ang marubdob na pag-ibig sa mga kahabag-habag na sinalanta ng kalamidad, ang siyang dahilan kung bakit minarapat ng pamunuan ng JIL na kanselahin ang pagdiriwang ng ating ika-31 anibersaryo ngayong darating na Oktubre 4 sa Luneta.

    May takdang panahon at tamang rason para sa lahat ng nagaganap sa daigdig. Ang panahon natin ngayon ay humahamon sa atin upang magbigay at magsakripisyo, manik-luhod at mag-abot ng kamay, manalangin at kumilos para sa kapakanan ng ating kapwa. Sa huli, maituturing ngang ito ang pinakamainam na paraan ngayon upang totohanang maparangalan ang Panginoon sa Kanyang katapatan sa ministeryo ng JIL, maging sa buhay ng bawat isa sa atin.

    Ang OPLAN PAG-ASA ay ipinanganak noong kasagsagan ng pagbayo ng Bagyong Ondoy sa bansa. Ito ang tugon ng JIL, sa pamamagitan ng ating iCare Compassion Ministry sa pangunguna ni Sis. Dory Villanueva, upang maghandog ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan.Bilang pasimula’y nakapagbahagi na tayo ng tulong sa ilang apektadong lugar sa Cainta, Marikina, Pasig, Quezon City, Valezuela, at Bulacan. At tulad ng nasabi ko, ito’y pasimula lamang. Dahil habang tumatakbo ang oras, dumarami rin ang naghihintay ng ating tulong at paglingap.

    Kaya naman, ibinubukas ko sa inyo ang aking puso at ipinamamanhik ang inyong patuloy na pakikibahagi sa ating OPLAN PAG-ASA. Anumang maipagkakaloob ninyong tulong – pinansyal, materyal o serbisyo ay marami ang maaabot at malayo ang mararating. Inaasahan ko ang inyong walang sawang pakiki-isa sa pagmamalasakit sa ating minamahal na mga kababayan.
    Bilang panghuli, gusto kong iwanan sa bawat isa ang taus-pusong pagbati ng inyong lingkod, sampu ng aking pamilya, para sa ating makabuluhang paggunita ng ating ika-31 anibersaryo. Ang diwa ng ating pasasalamat sa Panginoon ay higit na matimyas dahil sa pagbukal ng tunay na pag-ibig para sa iba.

    Ating tandaan, anuman ang ating ginagawa, maging sa pinakahamak, ay ginagawa natin sa Panginoon.
    Paligayahin natin ang puso ng Diyos sa pagpapaligaya natin sa mga nagdadalamhati nating kababayan.Pagpalain tayong lahat ng Makapangyarihang Diyos – ang Panginoon ng ating pag-asa! Manalig lamang tayo sa Kanya. Tumugon nang tama sa bawat hamon ng buhay. At babangon din ang bagong Pilipinas!

    GOD BLESS US ALL! GOD BLESS THE PHILIPPINES!

    Sa halip na magdiwang ang Jesus Is Lord Church ng ating ika-31 anibersaryo sa Luneta ngayong Linggo, October 4, itutuon natin ang lahat ng ating kaya at pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy.